CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, September 26, 2009

Trabaho

Akyat Bata
may kanya kanyang layunin
mayroong mga dapat hikayatin
mayroong gumagawa, bulontaryo!
pero anu ba talaga ang totoo?

nagkasama na tayo.
alam mo ang kalibre ko.
alam mo ang hindi ko kaya.
kaya nga andito lang ako sa ibaba.

pero nasan na nga ba tayo ngayon?
nasa tamang landas kaya?
o baka paikot ikot lang sa inyong nayon?
ito ba ang tamang kalsada?

sa iyong lakbay,
pwd bang makisabay?
o maganda na tong sa iyo yan.
sa iyo din ang sa amin. tama kaya yan?

siya pala? o ikaw din pala?
pwedi rin. pero pagisipan mo.
baka, bumagsak ka bigla?
kawawa ang kasabay mo!

sa kabila ng lahat.
kasama mo kami.
isang paniniwala.
iisang laban.

pamugaw ka sa saytan..

0 comments: