CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, September 26, 2009

Trabaho

Akyat Bata
may kanya kanyang layunin
mayroong mga dapat hikayatin
mayroong gumagawa, bulontaryo!
pero anu ba talaga ang totoo?

nagkasama na tayo.
alam mo ang kalibre ko.
alam mo ang hindi ko kaya.
kaya nga andito lang ako sa ibaba.

pero nasan na nga ba tayo ngayon?
nasa tamang landas kaya?
o baka paikot ikot lang sa inyong nayon?
ito ba ang tamang kalsada?

sa iyong lakbay,
pwd bang makisabay?
o maganda na tong sa iyo yan.
sa iyo din ang sa amin. tama kaya yan?

siya pala? o ikaw din pala?
pwedi rin. pero pagisipan mo.
baka, bumagsak ka bigla?
kawawa ang kasabay mo!

sa kabila ng lahat.
kasama mo kami.
isang paniniwala.
iisang laban.

pamugaw ka sa saytan..

Wednesday, September 23, 2009

GOBYERNO

MALI
unang yugto, tayo ay nagkalapit!
kinaibigan mo ako at ganun din ako sayo,
kaya ikaw ay kumapit.
marami ding gustong umagaw sayo.
pero di ako pumyag
kaya hindi tayo natibag.

nagsama tayo pagkatapos kung makamit ang panalo.
puno ng tawanan, ng luha, gago!
naging masaya, naging magulo,bobo!
kasama yan sa artikolo
na nakatala sa buhay ng lahat ng tao.
sabi nga nila, yan ang uso.

lumipas ang mga araw,
ikaw ay nasilaw.
magkakilala tayo, pero di mo ako kaibigan.
di ka pala matibay sa karanasan.
masyado kang marupok,
kaya nawala nalang, usok!

ngayon, ako ang iyong bangungot!
hahabolin kita, sisingilin kita!
hindi ka makakawala!
bakit ka kasi nagkasala!?
yan ba ang gobyerno mo?
gobyerno ng buhay mo..

paalam..