CALANOGAS - Agosto 15, unang pagkakataon na nakita ko ang libingan ng aking lolo na si "Sulutan Pangadapun Benito". Hindi ko maipaliwanag ang pagkasabik na makita ang kanyang libingan. Makulimlim nung araw na yun, pero pinilit ko ang aking pinsan na puntahan namin, dahil alam kong yun ang pagkakataon na innantay ko. Kaya sinamantala ko na. Medyo nasa liblib na lugar ang kanyang libingan at mayroong 10 % na hindi simentado ang daan. Pero ayos lang.
Hindi man ako lumaki na nakikita siya. Sa mga kuwento kasi ng mga tito at tita, pati ng mga magulang ko, halos magkakaroon ka ng imahe ng kanyang ugali at paanu siya makitungo sa maraming tao.
Salamat sa lolo ko, sa lahat ng iniwan sa amin. ang aming mga magulang. kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan pero alam namin na hindi nila maikakaila sa kanilang mga sarili na sila ay nagmamahalan at darating sila pag kailangan ng isa sakanila ang tulong ng kapatid nila. Salamat sa lolo namin dahil nirespito kami ng marami dahil sa iniwan niyang pangalan. Kaya hinahamon ko ang lahat ng mga taong maydala ng apelyido ng lolo ko na alagaan ang "BENITO".
0 comments:
Post a Comment