Monday, August 17, 2009
MAGULANG AT KASALAN
Unang kuha ko sa isang ikakasal, pinsan ko siya. Sa kanyang murang isipan papasok siya sa isang responsibilidad na habang buhay niyang pangangatawanan. Sana sa pagikot ng panahon matutunan niyang pakitungohan ang ang kanyang makakasama habang buhay.
Dahil unang pagkakataon na kumuha ako ng ganitong litrato, inixperimento kung saan anggulo ako kukuha. Kuntinto naman ako sa kinalbasan.
Matapang na bata. May ALLAH Bless you pinsan.
Posted by pogszacaria at 1:41 AM 0 comments
Sunday, August 16, 2009
GRAVE YARD
CALANOGAS - Agosto 15, unang pagkakataon na nakita ko ang libingan ng aking lolo na si "Sulutan Pangadapun Benito". Hindi ko maipaliwanag ang pagkasabik na makita ang kanyang libingan. Makulimlim nung araw na yun, pero pinilit ko ang aking pinsan na puntahan namin, dahil alam kong yun ang pagkakataon na innantay ko. Kaya sinamantala ko na. Medyo nasa liblib na lugar ang kanyang libingan at mayroong 10 % na hindi simentado ang daan. Pero ayos lang.
Hindi man ako lumaki na nakikita siya. Sa mga kuwento kasi ng mga tito at tita, pati ng mga magulang ko, halos magkakaroon ka ng imahe ng kanyang ugali at paanu siya makitungo sa maraming tao.
Salamat sa lolo ko, sa lahat ng iniwan sa amin. ang aming mga magulang. kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan pero alam namin na hindi nila maikakaila sa kanilang mga sarili na sila ay nagmamahalan at darating sila pag kailangan ng isa sakanila ang tulong ng kapatid nila. Salamat sa lolo namin dahil nirespito kami ng marami dahil sa iniwan niyang pangalan. Kaya hinahamon ko ang lahat ng mga taong maydala ng apelyido ng lolo ko na alagaan ang "BENITO".
Posted by pogszacaria at 5:53 AM 0 comments
Sunday, August 2, 2009
LALAY AT URBANDUB
Napahanga ako ng grupo ng kabataan na nagmula sa cebu na kinilala bilang URBANDUB. mula sa kanilang mga kantang Dissect, Sailin', New Tattoe at hanggang sa kanilang mga obra na Frailty, First of Summer at The Fight is over. Kung panu nila tinitimpla ang kanilang masika, yun ang nanatiling diamante para sa grupong ito. Kapag narinig mo ang kanta nila, alam mo na sila na yan. ang kombination ng kanilang galing ang nagbuo at nagbalanse sa kanila, kaya't sila ay tinawag na URBANDUB. Salamat kay Gabby Alipe (lead vocals, guitar), John Dinopol (lead guitar, vocal) Lalay Lim (bass, vocals), at Jan Jan Mendoza (Tambolista) sa musika na patuloy na tumotogtog sa aking radio.
UP FAIR '09 - isa sa pinaka hinangaan ko na bassist sa larangan ng musika sa Pilipinas ay si Lalay, kung panu nya isayaw ang kanyang sandata habang sinasabayan si Gabby ay kahangahanga. Kasabay ng pagkalabit nya sa gatilyo ng kanyang sandata, na nagpapatalon sa mga nakikinig, sa amin. salamat URBANDUB!
Posted by pogszacaria at 6:18 AM 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)