akoy anak ni solaiman
labin limang taong gulang
isinilang ako na di lumaki
sa piling ng aking mga magulang
Isa ang aking ama sa mga unang unang nasawi sa labanan
Higit na masakit ang maging ulila
ngunit sa kanilang paglisan akoy di luluha
lumaban sila para sa amin, para sa atin.
para mayroong manahin na relihiyon,
gobyerno at tahimik na pamumuhay.
na hindi sakop ng kung sino mang dayuhan.
malaya, yung totoong malaya.
At sa pagiging mulat ko sa mga pangyayari
hindi rin ako mananahimik lang
lalabanan ko ang hari, hari nung kung saan man.
ipaglalaban ko ang pamana ni ama.
para may mabuting pamana din
ako sa aking mga magiging anak.
bring me back what is mine
take me back to wer i shuld be.
idont belong here
i dont belong to wer u want me to be
Ako naman si abdul, lumalaban kami
pero sa hindi marahas na paraan,
sa kalye, sa sulat at salita.
ito ang kaya naming paraan.
upang mabigyang karangalan
ang mga nagbuwis na ng buhay.
nagbuwis ng buhay para sa amin para sa atin.
lalo na ang nasa itaas.
pero madalas ang tanung sa amin
kung kaya ba natin. para sa akin
hindi un ang importante, my reponsibilidad
kasi ako sakanya na dapat kung pangatawanan.
kaya tintawagan namin ang lahat ng ating mga kapatid.
magkaisa para sa iisang layunin.
Tuesday, October 19, 2010
Pamana
Posted by pogszacaria at 11:24 AM 0 comments
Saturday, January 16, 2010
Damn Go!
dito totoo
dito kaw ang kasama ko
pwede kitang mahawakan
parang walang katapusan
dito mamatay ka,
iiyak ako.
mamatay ako,
iiyak ka.
pwede kitang mahalikan
pwede din kitang mapangiti
lahat ng masaya, pwedeng balikan.
pwede dito!
Posted by pogszacaria at 3:51 AM 0 comments
Chance
Tyansa
Umiikot ang oras
di ka inaaantay
baka biglang magwakas
mawalan ng saysay
buksan ang mata
habolin si chansa
wag kang huminto
walang prino si chansa
sayang sayang,
sigaw ni inay
di mo inabotan kaalis lang
akala mo anak itoy laro
laro laro lamang
laro ng buhay
pag nagkamali, matatalo ka
mabilis pa sa kidlat
umilag ka bata sa sibat ng pagsubok
hindi kasalanan ang tahimik na bukas
tuklasin at kilalanin ang talento ni Juan
ihahatid ka sa tutok ng kaligayahan
hali ka.
may dalawang grupo ng tao
grupo ng mali at grupo ng tama
pero may kanya kanyang tinatago
tinatagong baho.
mamili ka sa dalawa.
pwde sa tama, pwdi sa mali,
gago, alam mo ng mali.
wag kang magpapatali.
magbabalik si chansa,
bago magsimula.
wag mong pakawalan.
wag mong iiwasan.
para di ka na magtanung kung nasaan si chansa.
ilang milyong beses mong dapat marining
bago sumunod at bago ka pumanig?
bago mo matutunan
ang aral ng buhay?
makinig, hali ka..
Posted by pogszacaria at 3:46 AM 0 comments
Saturday, September 26, 2009
Trabaho
may kanya kanyang layunin
mayroong mga dapat hikayatin
mayroong gumagawa, bulontaryo!
pero anu ba talaga ang totoo?
nagkasama na tayo.
alam mo ang kalibre ko.
alam mo ang hindi ko kaya.
kaya nga andito lang ako sa ibaba.
pero nasan na nga ba tayo ngayon?
nasa tamang landas kaya?
o baka paikot ikot lang sa inyong nayon?
ito ba ang tamang kalsada?
sa iyong lakbay,
pwd bang makisabay?
o maganda na tong sa iyo yan.
sa iyo din ang sa amin. tama kaya yan?
siya pala? o ikaw din pala?
pwedi rin. pero pagisipan mo.
baka, bumagsak ka bigla?
kawawa ang kasabay mo!
sa kabila ng lahat.
kasama mo kami.
isang paniniwala.
iisang laban.
pamugaw ka sa saytan..
Posted by pogszacaria at 9:48 AM 0 comments
Wednesday, September 23, 2009
GOBYERNO
unang yugto, tayo ay nagkalapit!
kinaibigan mo ako at ganun din ako sayo,
kaya ikaw ay kumapit.
marami ding gustong umagaw sayo.
pero di ako pumyag
kaya hindi tayo natibag.
nagsama tayo pagkatapos kung makamit ang panalo.
puno ng tawanan, ng luha, gago!
naging masaya, naging magulo,bobo!
kasama yan sa artikolo
na nakatala sa buhay ng lahat ng tao.
sabi nga nila, yan ang uso.
lumipas ang mga araw,
ikaw ay nasilaw.
magkakilala tayo, pero di mo ako kaibigan.
di ka pala matibay sa karanasan.
masyado kang marupok,
kaya nawala nalang, usok!
ngayon, ako ang iyong bangungot!
hahabolin kita, sisingilin kita!
hindi ka makakawala!
bakit ka kasi nagkasala!?
yan ba ang gobyerno mo?
gobyerno ng buhay mo..
paalam..
Posted by pogszacaria at 6:25 AM 0 comments
Monday, August 17, 2009
MAGULANG AT KASALAN
Unang kuha ko sa isang ikakasal, pinsan ko siya. Sa kanyang murang isipan papasok siya sa isang responsibilidad na habang buhay niyang pangangatawanan. Sana sa pagikot ng panahon matutunan niyang pakitungohan ang ang kanyang makakasama habang buhay.
Dahil unang pagkakataon na kumuha ako ng ganitong litrato, inixperimento kung saan anggulo ako kukuha. Kuntinto naman ako sa kinalbasan.
Matapang na bata. May ALLAH Bless you pinsan.
Posted by pogszacaria at 1:41 AM 0 comments