CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, January 16, 2010

Damn Go!

Photobucket
dito totoo
dito kaw ang kasama ko
pwede kitang mahawakan
parang walang katapusan

dito mamatay ka,
iiyak ako.
mamatay ako,
iiyak ka.

pwede kitang mahalikan
pwede din kitang mapangiti
lahat ng masaya, pwedeng balikan.

pwede dito!

Chance

Tyansa

Umiikot ang oras
di ka inaaantay
baka biglang magwakas
mawalan ng saysay
buksan ang mata
habolin si chansa
wag kang huminto
walang prino si chansa
sayang sayang,
sigaw ni inay
di mo inabotan kaalis lang
akala mo anak itoy laro
laro laro lamang
laro ng buhay
pag nagkamali, matatalo ka
mabilis pa sa kidlat
umilag ka bata sa sibat ng pagsubok
hindi kasalanan ang tahimik na bukas
tuklasin at kilalanin ang talento ni Juan
ihahatid ka sa tutok ng kaligayahan
hali ka.


may dalawang grupo ng tao
grupo ng mali at grupo ng tama
pero may kanya kanyang tinatago
tinatagong baho.
mamili ka sa dalawa.
pwde sa tama, pwdi sa mali,
gago, alam mo ng mali.
wag kang magpapatali.
magbabalik si chansa,
bago magsimula.
wag mong pakawalan.
wag mong iiwasan.
para di ka na magtanung kung nasaan si chansa.
ilang milyong beses mong dapat marining
bago sumunod at bago ka pumanig?
bago mo matutunan
ang aral ng buhay?
makinig, hali ka..